Martes, Nobyembre 28, 2017


GIYERA SA MARAWI

Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula ang mga pag-atake nang inilunsad nila ang opensiba sa lungsod upang hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf, pagkatapos makatanggap ng mga ulat na si Hapilon ay nasa lungsod, maaaring upang makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.[
Isang madugong bakbakan ang nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon ay nagpaputok sa pinagsamang hukbo ng militar at pulis at nagpatawag ng dagdag na hukbo mula sa Maute, isang armadong pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa Islamikong Estado at ang mga pinaniniwalaang responsable sa pagsabog sa lungsod ng Dabaw noong 2016, ayon sa mga tagapagsalita ng militar.[
Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao at inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama ang Bulwagang Panlungsod ng Marawi, Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital at bilibid. Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing kalsada at sinunog ang Simbahan ni Santa Maria, Paaralang Ninoy Aquino, at Kolehiyo ng Dansalan na pinangangasiwaan ng United Church of Christ in the Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas) o UCCP. Sinalakay rin ng pangkat ang Katedral ng Marawi at binihag ang isang pari, pati ang ilang mga nagsimba.[
Noong ika-26 ng Mayo, 2017, kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang mga dayuhang terorista ay lumalaban kasama ang Maute sa Marawi at ang kanilang pangunahing layunin ay magtaas ng watawat ng Islamikong Estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur at magpahayag ng wilayat o panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado sa Lanao del Sur.
Noong ika-17 ng Oktubre, 2017, isang araw matapos ang pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, inihayag ni Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi. Gayunpaman, ang Brigadyer-Heneral na si Restituto Padilla, tagapagsalita ng militar, inihayag naman na ilan sa mga militante ay nananatili at ang mga operasyon ay magpapatuloy hanggang sa sila'y mapuksa. Limang araw ang nakalipas, ika-23 ng Oktubre, inanunsyo ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Delfin Lorenzana na ang limang buwang bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi ay nagtapos na.[

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento